Thursday, June 16, 2005

Nang nga-quit si San Pedro sa langit...

Comment: Here's a script I made two years ago. Quite old eh? I hope you'll like it, kahit mukhang nabasa nyo na sa lumang website ko. Hehehehe. See you in a few days.



* Isang araw, sa pintuan ng kalangitan ng Diyos



Pedro: Pangalan?

Telemarketer: Artemio De Jesus po, Panginoon.

San Pedro: Hindi ako ang Panginoon, ako si San Pedro.

Telemarketer: Whoa! San Pedro? You live in Laguna?

San Pedro: Lugar yun anak sa Pilipinas. Ako ang tunay na San Pedro, alagad ni Kristo.

Telemarketer: Iglesia ka pala…nasa langit po ba ako Don Pedro?

San Pedro: SAN PEDRO. SAN PEDRO pangalan ko at hindi ako brandy!

Telemarketer: Sorry po SAN PEDRO!

San Pedro: Ano ang trabaho mo sa lupa?

Telemarketer: Sa call center po. Minsan night shifts pero ngayon hindi na.

San Pedro: Alam ko, patay ka na eh.

Telemarketer: Hindi po, before I went here naging credit collector po ako.

San Pedro: At ano naman ginagawa nun?

Telemarketer: Tinatawagan ko po yung may mga utang sa Citibank credit card tapos tinatakot ko po para magbayad na.

San Pedro: Takot? Paanong tinatakot?

Telemarketer: I tell them "Gago ka! Magbayad ka na kundi idedemanda kita hayop ka! Tang ina mo ka! Mabubulok ka sa kulungan magpakailanman pag hindi ka nagbayad! ". Yung tipong ganun.

San Pedro: Well…hindi ko na kailangan tingnan sa libro kung listado ka dito sa langit, Pwede ka nang bumaba sa impyerno. Thank you for visiting….NEXT!

CMA: Good morning po San Pedro.

San Pedro: (smiles) Welcome anak sa kaharian ng Diyos! Pangalan?

CMA: Kristina Lantian po.

San Pedro: Ano naging trabaho mo bago ka nakarating dito anak?

CMA: Christian Ministry Aid po?

San Pedro: Tagapaglingkod ka pala! Magaling! Ano ba ginagawa ng Christian Ministry Aid?

CMA: Tinutulungan po si Supereme Brother po.

San Pedro: Sa anong bagay? Saan?

CMA: Sa healing sessions po. Nagpapapanggap po akong pilay, kaya nagsasaklay po ako.Tapos magdadrama po ako sa kanya, tapos kunwari makakalakad na ako, tapos hahawakanniya ako sa ulo tapos hihimatayin po ako...as in BLAG! Lagpak sa stage. Tapos…tapos… ganun po.

San Pedro: Makakaalis ka na, subukan mo na lang sa iba. NEXT!!!

Sabongero: Langit po ba ito?

San Pedro: Tama ka iho. Ano pangalan?

Sabongero: Bhong po. Almatico po ipelyido ko, isa po akong sabongero.

San Pedro: Sabongero?!

Sabongero: Aba! Makabayan po na libangan po iyan. Naalala ko po na ako'y inatakenung nanalo po ako ng pitong libo sa dalusapi ni Ka Pedring.

San Pedro: NE….

Sabongero: Sandali lang! Kaibigan ko naman po ang Kristo eh. Araw araw ko po siyang kinakausap, lalo na pag kailangan ko ng tulong. Magkaibigan po kami!

San Pedro: Kaibigan mo ang Panginoong Hesukristo?

Sabongero: Ha? Si Elmer po, yung kristo sa sabungan namin ang sinasabi ko.

San Pedro: NEXT!!!

Sabongero: Teka teka…alam mo ba kung paano ko makukuwa yung pinanalo ko?

San Pedro: Hindi mo na kayang magdala ng mga material na bagay sa pupuntahan mo Bhong.

Sabongero: Teka…huling tanong. Magkano mo binebenta yang manok mong Zamboanga white?

San Pedro: NEXT!!!

Rebelde: Ano pong lugar ito?

San Pedro: Ito ang kalangitan! Sino ka naman iho?

Rebelde: Isa po akong rebeldeng muslim.

San Pedro: Pasensya ka na at hindi ka Kristyano…hindi ka welcome dito, nagpaloko ka sa Koran. Goodbye. NEXT!!!

Crew: (looks at San Pedro's rooster) Sir? Mukhang maganda yang manok mo ah.

San Pedro: Sino ka ba iho?

Crew: Janggo Cruz, crew po ng Kentucky Fried Chicken.

San Pedro: NEXT!!!

Agaton: Magandang araw po San Pedro.

San Pedro: Pasensya na iho kung medyo mainit ulo ko, ano pangalan mo?

Agaton: Si brother Agaton po. Iglesia po ako.

San Pedro: Ay hindi ka rin pwede.

Agaton: Teka teka! Pareho lang naman tayo ng Diyos ah!!!

San Pedro: Kaya lang hindi mo tinaggap si Kristo bilang Diyos.

Agaton: Pero pareho lang tayo ng Diyos! Si Manalo diba?!

San Pedro: NEXT!!!

Sabongero: Pasensya na po San Pedro...may tanong po ako...last na lang.

San Pedro: IKAW NA NAMAN?!!! ANO NA NAMAN KAILANGAN MO?!

Sabongero: Kasi po, bukod sa sabong, nangangarera po din ako eh.

San Pedro: Eh ano ngayon kung nangangarera ka iho?!

Sabongero: Tanong ko po lang kung nasaan po si San Lazaro?

San Pedro: NNNNEEEEEXXXXTTT!!!!!!!!!!!!




By Agaton

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home